Panibagong Ako
Unang araw ko palang sa iskul , hindi ko na maintindihan ang aking
nararamdaman.Tila may takot pa ako na kung saan ito ay agad nawala ng Makita ko
ang aking matalik na kaibigan.Sa pagsama ko sa kanya para bang hindi ko na
nararamdaman ang pagkatakot dahil sa
bago ang mga guro at ang pagkahiya dahil marami ang mga bago kong
kaklase.Akala ko ang pagiging confident sa lahat ng bagay ay ayos lang pero
hindi pala ganun.Ang pagiging mag-aaral ng ikatlong taon ay hindi pala ganun
kadali , kailangan din palang maging matiyaga at hindi masiyadong confident sa
sarili na magagawa mo ang isang bagay lalong-lalo na sa paggawa ng
proyekto.Dito ko naranasan lahat ng paghihirap at ginhawa.
Ang paggawa ng proyekto ay kinakailangang pinaghihirapan at mas
ginagawang kakaiba dahil mas mataas ang ibinibigay na marka.Hindi ko akalain na
makakagawa ako ng mga bagay na hindi ko alam na kayak o palang gawin.Ang
halimbawa nito ay pagiging malikhain at ang pagkahilig ko sa arts.Sa pagiging
mag-aaral ko sa ikatlong taon natuto akong makilahok sa mga patimpalak kahit na
minsan ay nadidismaya ako sa resulta pero iniisip ko parin na marami pa ang
pagkakataon.Malaki ang aking pasasalamat sa mga taong nandiyan lagi sa tabi ko
kapag ako ay nangangailangan.
Para sa mga nagging guro ko ,
inaasahan ko na hindi lang ako o ng mga kaklase ko ang inyong matuturuan at
mabibigyan ng mga makabagong kaalaman sa mga bagay-bagay.Sa huli , lahat ng ito
ay aking dadalhin sa panibagong yugto ng aking pag-aaral at isasabuhay ko ito
hanggang sa maabot ko ang mga pangarap ko.Sa inyo , maraming-maraming salamat
po.
Mary Ann S. Aquino 111-1
No comments:
Post a Comment