Monday 26 March 2012

BACUD, ANDREA MAE C.


  PINTIG NG PUSO


Pag-ibig kapag naramdaman,
Bawat araw daw ay makahulugan,
Ngunit paano ko mararamdaman,
Kung puro pagmamayabang lang.

Tuwing magsasalita'y lumalakas ang hangin,
Tila ako'y tinatangay sa ibabaw ng buhangin,
Subali ganoon na lang ba lagi,
Ako'y lalayo kapag ikaw sa akin lumapit.

Ikaw ang tunay na nagpabilis ng pintig ng puso ko.
Sa tuwing ikaw ay tumatabi ako'y lumilipat,
Lumalayo dahil hindi ko mawari.
Kung ang anghel ba ay marunong mangiliti.

Kapag ako'y dumaan ,sana naman,
Ako ay pansinin kahit isang "HI" man lamang,
Mamahalin kita hanngang sa dulo ng walang hanggan,
Kahit iyon ay di ko masabi ng mas malaman.

kapag umibig daw ay bibilis ang pintig ng puso,
datapwat ang utak ang tunay na pumipili ng gusto,
Gustong kayakap, kasama, tagasundo,
Sa pagpili ng utak ko sa'yo, ako ay kuntentong-kuntento.
                                                                                                          




TAKBO NG 
                                               BUHAY
       Bawat araw ,bawat minuto,bawat oras, patuloy ang pagtakbo ng ating buhay at tila napabilis ang takbo nito dahil ngayon ako na ay hayskul, sa ikatlong taon, sa Mataas na Paaralan ng Mambugan. Sa unang araw ng aking pagpasok ay ipinangako ko sa aking sarili na mag-aaral ako ng mabuti at sisikaping makilahok sa talakayan,at kagaya ng iba kong kamag-aral ay sasali ako sa mga ''curricular 
activities''.  
       Habang patuloy na tumatakbo ang aking oras ay marami akong naging unang karanasan.sa pagpasok ng buwan ng asignaturang  filipino ay sinubukan kong sumali sa pagsulat ng pormal na sanaysay at nang dumating ang araw ng pagbibigay ng karangakan, sa kabutihang palad,nanlo ako ng ikalawang puwesto at iyon ang unang bese kong sumali sa patimpalak ng pagsulat ng sanaysay. Sa kabilang banda, lumahok ako sa manunulat ng diyaryosa aming paaralan sa larangan ng Ingles at nakaabot ako sa "DSPC" mula "SPC" at naka punta ako sa San Jose National High School, unang beses kong naranasan ang maging bahagi ng " THE STENTOR WRITER" sa panahon ng pagtapak sa paaralang aking kinabibilangan.

          Noong malapit ng magtapos ang taong 2011 ay ipinagdiwang ang buwan ng asignaturang ingles at ako ay sumubok na sumali sa pagsulat ng sanysay o "essay writing" sa Ingles at ako at nakasungkit ng ikatlong puwesto at iyon ay hindi ko talaga inaasahan dahil huli akong pumunta, kaunting oras na lamang ang aking mailalaan sa pagsulat kaya hindi rin ako nakapag-register at ang ugat ng lahat ng iton ay si Belardo dahil hinintay ko siya sa labas samantalang nandoon na pala siya sa pagdarausan ng kompetisyon. Mabuti na lang talaga , si Maam Morena ang namuno at ako'y pinayagan  niya pang mag-register.

 MGA LARAWAN

IKAAPAT NG MARKAHAN

                                         





 ANDREA MAE BACUD
III-1

No comments:

Post a Comment