Monday 26 March 2012

JECEL ANNE A.ABUD







Alam mo ba?

Alam mo ba,may gusto ako sa'yo?
Di ko lang masabi kasi baka mabigla ka.
Di ko mapadama kasi malayo ka,
At  inuunahan ng kaba sa aking dibdib.

Alam mo ba,nasasaktan ako!
Kapag kasma mo ang taong mahal mo
Ngunit anong karapatan kong masaktan?
Eh,wala lang naman ako sa'yo.

Alam mo ba,kahit sobrang sakit,
Titiisin ko basta't wag ka lang mawala sa paningin ko,
Kahit friend lang turing mo sa'kin
Ayos lang kasi nag-uusap naman tayo.

Alam mo ba,naiinis ako sa'yo
Kasi sa'kin sa nagsasabi ng mga problema niyo,
Di naman kita masabihan na naiinis na ako,
Kaso baka di mo na ako kausapin.

Alam mo ba,gusto kitang tanungin,
"Anong meron sa kanya na wala ako?"
Tapos sinasabi mo saken
na masaya ka 'pag magkasama at magkausap tayo!

Alam mo ba,kahit ganun ka,
Hindi ko kayang masaktan at malungkot ka
Hiling ko lang,ingatan ka niya
tulad ng pag-iingat at pagmamahal ko sa'yo



ni:Jecel Anne A. Abud







No comments:

Post a Comment